Friday, September 21, 2007

The Dreamcatcher

Habang ginagawa ko yung latest na "article" ko kanina, napatingin ako sa ginagawa ng katabi kong babae sa internet library (oo, pakialamero ako). Nagboblog rin sya. Pero yung sa kanya, seryoso. May nabasa nga ako, isang sentence:

"I wish can work with her more longer..."

More longer daw. At ang title nya is:
"There, there..."

Kung ipoprocess ito ng utak ko, magiging pornographic iyon. Naghahanap sya ng mas mahaba ("more longer") at yung marunong ("Huwag diyan, there, there...ahhhh").

Seriously, nakonsensya ako, kasi ang blog nya seryoso, ako so far mga naisulat ko, pangongodigo at mga amoy-tae. So I decided to write a serious "article", And because it is so serious it will be more longer than the others there, there.

Tungkol ito sa magkakaibigan (by the way, fiction po ito, HINDI ITO TOTOONG NANGYARI AT WALA AKONG PINARIRINGGAN AT KUNG MAY PAGKAKAPAREHO ITO SA INYONG EXPERIENCE AY HINDI SINASADYA).

Nung first year pa lang kami sila, uhm, apat silang magkakaibigan tawagin nating Friend A, Friend B, Friend C at Freind D. Yup, Freind, hindi Friend.

Ako Si Friend A: Pandak sya, and cute.
Si Si Friend B: Matangkad sya.
Giovanni Si Friend C: Mataba sya.
Elvis Si Freind D: Autistic.

May subject kami sila PUTANG-INA OKAY OKAY KAMI NA YUN AAMININ KO NA KAMI YUN.

May subject kami noon na "Psychology", parang math sya. Basta di ko sure. Nabanggit ng instructor namin na may contest raw, gagawa ng dreamcatcher. Sa isip-isip ni Freind D, Hindi naman kami Einstein, paano kaya iinvent yun?

By the way, sa mga hindi pa nakakaalam kung ano yung dreamcatcher (mga shunga) ganito yun. Bilog sya, tapos maraming sinulid, tapos isasabit mo sa ulunan mo pag matutulog ka na, tapos ang mapapanaginipan mo puro bilog (ex: buwan, araw, earth, pinggan na bilog, coins (except yung lumang dos), boobs ni Maui Taylor, tsaka The Ring). Tapos pag mananaginip ka ng masama (nightmer, (bangongot) ex: yung nightmer ko na binugbog at sinaksak ako ng tomboy sa may chowking), liliwanag yung dreamcatcher, matatrap yung mga nightmer mo, tapos sa umaga makikita mo maraming nakasabit na naightmer sa sinulid tapos dapat itaktak mo agad yun sa basurahan kasi baka makita ng iba. Yun, wala ka nang nightmer. Pag gusto mo uli mabangongot i-off mo lang yung dreamcatcher.

So far serious pa naman ang article ko kaya let's go there, there...

Kahit wala kaming alam masyado sa elecronics, nagkayayaan kaming sumali, kasi sabi namin "Experience!" Basta ang mechanics daw ng eh isubmit mo yung dreamcatcher sa deadline tapos mananalo ka ng washing machine ba yun? Or tricycle? Di ko maalala yung prize. Di ko sure.

Sa isip isip ko, Tamang-tama, madalas ako mabangongot. Hindi na ako uli masasaksak nung tomboy.

Linggo nung mapagdesisyunan naming gagawin na namin ang dreamcatcher. Nagkita-kita kami at nag-ambag-ambag (wala yata akong inambag? Di ko sure.) Pumunta kaming Center Mall, sa 5 Cents Up para bumili ng sinulid tsaka mga beads. Nahulog ni Freind D ang lalagyan ng beads, kaya namulot pa kami sa sahig. ("Experience!").

Tapos, dalawa sa amin, (di ko maalala kung sino, di ko sure) naghanap ng feathers ng manok. Effective pala yun kontra nightmer? So its mean, hindi binabangongot ang manok? (di ko sure). Sa kahahanap nila ng feather nakarating sila sa gumagawa ng pinikpikan.

Para sa mga hindi nakakaalam ng pinikpikan (mga shunga) ganito lang ang mechanics ng ulam na yun: Kuha ka ng manok. Bubugbugin mo ito. Tatanggalan mo ng balahibo. Pati mukha nya, alisin. Tapos papasuin mo parang frat member. Tapos magluto ka ng tinola, na wala munang manok. Pag nakuha mo na ang timpla ng tinola, iintroduce mo na yung binugbog mong manok. Masarap (dapat) ito. Di ko sure.

So nung binugbog na ang manok at minassacre na, nakaabang na sa balahibo ang dalawa sa mga Friends/Freind.

Ang next naming problema, ano ang gagamitin naming framework nya, yung pabilog. Nagsuggest si Freind D, yung pangcross-stitch raw. Yung pinag-iipitan ng tela. Kaso ang mahal. Wala kaming pang-invest. Bumili kami ng alambre.

Malambot yung alambre. Kailangan namin ng kahoy, yung pwedeng baluktutin pabilog. Saan kami kukuha ng kahoy? Sabi ko,
"Walang punongkahoy sa dorm"

na ikinabigla nila kasi mukhang gubat ang aming dormitoryo.

Magsusuggest na naman si Freind D,
"Maraming kahoy sa South Drive (papuntang Loakan)."

Mukhang tama naman si Freind. Alam nya raw kung anong sasakyan namin, kung magkano ang pamasahe, kung saan baba, blah blah blah mali lahat. Mali kami ng sinakyan, mali ang pamasahe, at dahil hindi na namin alam kung nasaan na kami, nang makakita kami ng maraming puno bumaba na kami.

Naglakad-lakad kami in search for the perfect wood. Hindi dapat mataba, hindi mapayat, hindi malambot, dapat hindi namumunga, at hindi makikilala ng ibang makakakita ("Aha! Bayabas ang ginamit ninyong frame!).

Sa haba ng nilakad namin tinamad na kami sa paghahanap at humablot na lang ako ng baging ng kung anong kahoy tapos inannounce ko na
"Nahanap ko na sya!"

dahil pagod na talaga ako at pagod na rin sila tsaka hindi masaya ang maghanap ng kahoy sa gilid ng bangin, kaya sabi nila

"Perfect. Tara uwi."

Pag-uwi sinimulan na namin ang design. Kailangan bilog. May nagsuggest, bilog tapos may star sa loob. Agreed!Ngunit ng maidrowing, mukhang parol. Dismissed. Yingyang daw! Panget. Hugis elesi! Mukhang electric fan.

Matapos ang matinding brainstorming, ganito ang naging itsura nya:

Logo ng Mitsubishi.

Sinimulan nang habiin ang sinulid. Okininana, mahirap po ito. Hindi nagpantay-pantay. Tapos nilagyan-lagyan ng beads. Tapos sinabit-sabit yung mga balahi kamamatay lang na manok. Tapos nilagyan ng sabitan. Hindi namin namalayan, after 2 days, tapos na sya.

"Maganda naman di ba?"


"Oo, sa anggulong ganito, maganda."


"Mas maganda sya kung patay ang ilaw."


"Sa unang tingin lang pangit."


"Oo habang tumatagal gumaganda na."


"Oo tama na, wag na nating tignan, baka pumangit ulit."


At naisali na nga ang dreamcatcher sa contest. Pagpasok namin, binigyan kami ng number. Number 23 yata, di ko sure. Tapos nung araw na ng judging, nakabitin na yung dreamcatcher namin. Katabi nya yung isang daan pang ibang entries. Imaginine mo. Isang buong kuwarto puno ng dreamcatchers. Kapag dun ka natulog, may mapapanaginipan ka pa kaya?


Nagkaroon ng elimination round. Nakasali pa ang dreamcatcher namin. Nakasali sya sa Top 99. Tapos sa isang iglap, sinosoli na nila, kasi talo na. Mas nanalo pa yung sinali ng kaklase naming si Timmalog, yung sa kanya kasi may anito sa gitna (e.g ginastusan). Sya yata ang nanalo ng tricycle? Di ko sure.


(Experience!) Kahit hindi kami nanalo at least di ba, nakarating kami sa South Drive. And we stayed friends more longer, there, there...


Sabi naman kasi serious dapat ito eh.


Dahil malakas ako makipagaway sa akin napunta ang dreamcatcher. Sinabit ko sya sa may taas ng double deck namin sa dorm. At nung unang gabi, hindi ako binangongot! Gumagana na sya!


Ang sarap ng gising ko, lalo pa't alam kong effective ang imbensyon namin. Hindi na ako dinadalaw ng tomboy. Hindi na rin ako naiihi. Wala nang bumabaril sa akin. Ang tanging panaginip ko na lang na naiwan eh yung inuuntog ko yung ulo ni Krissa (my friend) sa pintuan.


After 48,000 years naisip ni Bong na "hiramin" ang dreamcatcher "kasi ang tagal" na raw nun sa akin "at isang buwan lang naman" raw niya hihiramin tapos soli na.


Ngunit tulad ng lahat ng taong nagsisinungaling at may maitim na balak, nakarma sya. Hindi gagana ang kapangyarihan ng dreamcatcher sa panig ng kadiliman. Kaya nagbackfire ang power nito. Lahat ng nightmers sa mundo ay hinigop nya, at pinasa kay tuwing matutulog sya. Sana, mapanaginipan nya ang kawawang manok na nagbuwis ng buhay para lamang mabuo ang dreamcatcher, instead of Maui Taylor..


Wakaz.

2 comments:

madeli said...

no doubt, isang magnum opus ang dreamcatcher na gawa ng mga "freinds". naniniwala akong naeliminate sya hin-di dahil walang aesthetic sense ang mga judges. base sa description, wala kasi itong "center hole."

malaki ang role ng maliit-na-butas-sa-gitna sa legend ng "asabikeshiinh."

anyway... seryoso nga ang article na to.

Anonymous said...

Hahaha di ko alam na may ganun palang "asabikeshiinh"(ano to, ungol?) legend whatsoever sabi ko na nga may mali sa design namin, kaya pala kami natalo. ahahaha. Now i know, naclear na ang malaking misteryo kung bakit kami natalo.

Madeli comment ka pa sa iba hehehe. Para hindi nila sabihing walang nagbabasa. Ahahahaha.