Monday, October 8, 2007

Khikhi Monster

Siguro lahat ng tao (except mga loser at mga weaklings) (at tsaka yung mga walang pangarap sa buhay) (pati yung mga walang talent) ay minsang nangarap bumuo ng banda.

Yung iba, pag nangarap, natutupad.
Yung iba, hanggang pangarap na lang.
Yung iba, akala nila may banda sila, wala pala sila dahil tae lang sila.

At yung iba, mga tipong "Ha? Anong nangyayari? Bakit bumubuka ang lupa?" mga idiot.

Kahit ganito lang ang IQ namin, nangarap din kaming bumuo ng banda.

Khikhi - Vocals, Melody, Lyrics
Jhun - Guitar, Tsaka sya ang unang nagcocompose
Ako - Percussions, Lyrics, Panglalait

This is how it all began...pano na nga ba? It's been 48 thousand years...

One night, like any other night, nagkayayaan kaming tatlo na mag-inuman sa aming dorm, sa kuwarto ko. Nasa labas kasi ang mga hayup kong roommate (ang roommate ko that time ay si Fish, ang punkistang may panget na girlfriend, see my post Pakyaw Family). Tandang-tanda ko pa ang binili naming Empoy (o GSM Blue, di ko na matandaan). At as usual, ang pulutan namin ay yung kaya lang naming ma-afford, like Andok's (needless to say, joke... Tortillos lang ang kaya ng sikmura namin).

Si Jhun kasi, kung hindi nyo naitatanong, ay may kakambal...na gitara. Parang nagkakaintindihan sila. Para silang galing sa iisang sinapupunan. Kapag inistrum na nya ang guitar, may naririning ako na music. Pag ako nagistrum, naririnig ko sila ni Khikhi na nagtatawanan.

Si Khikhi naman, magaling(?) kumanta...at kumantot. Tsaka napaka-uto-uto nya, at malakas din syang promotor ng ganitong mga extra-curricular activities (basahin ang Extra-Curricular Activities, si Krissa at si Khikhi ay iisang tao lamang).

Well anyways, nabanggit ni Jhun: "May nacompose ako sa gitara pero wala pang lyrics."

Naexcite ang Krissa. Gusto nya kasing makipagcompete sa mga sikat na mang-aawit na idol nya like Jimmy Bondoc and Gloc-9 (totoo yan, promise). "Parinig nga, gawan natin ng song!," she exclaimed.

"Oo nga, gawan nyo ng tono lagyan natin ng lyrics!!!," I ejaculated.

Kahit ganyan ka-corny ang pagkakakuwento ko ng scenario na parang dialogue lang sa English na pang-Grade 4 under Madam Capua (na mabuti naman at patay na ngayon) eh ganyan talaga kaming mag-usap parang Batibot. Pero kung gusto nyo talaga ng totoong version ng uusap namin, ito yun:

Wika ni Jhun: "May nacompose ako sa gitara pero wala pang lyrics, damn!"

"Shet I'm wet! Parinig nga, gawan natin ng song! Putang-ina!," she exclaimed.

"Mga putang-ina ninyong dalawa, gawan nyo ng tono lagyan natin ng lyrics!!!," I ejaculated.

Tumugtog na ngayon ang Jhun, at lalong nag-wet si Khikhi. Para syang hihimatayin sa ganda ng nacompose ni Jhun. Kuha ako agad ng lapis at papel.

Wish ko lang naaalala ko pa ang mga suggestion namin na lyrics para sa first draft. Dahil sobrang nakakatawa, lalo na pag si Khikhi ang nagsuggest. Kaso hindi. Ito lang ang mga napagtagumpayan naming lyrics. Babala: Humanda sa kaitaas-taasang level ng corny.

"sadness kills me when i remember you and now i suffer in pain"

"that i'm just here waiting and bleeding for you"

"and my heart is breaking co'z i want you that bad"

"you don't know i'm dying inside"

"and when you'll hide from me"

"for you i wrote a song, don't care if it is wrong"

"so please don't despise me"

"though you have given up on me and wounded my soul"

Kung hindi nyo pa napapansin, halos lahat ng linya ay may kaakibat na sakit ng katawan, may breaking heart, bleeding, suffering in pain, at wounded soul. So wala nang natira sa katawan nya. Ganito ang interpretation niyan:

"sadness kills me when i remember you and now i suffer in pain" (masochistic si Khikhi)

"that i'm just here waiting and bleeding for you" (nireregla sya that night)

"and my heart is breaking co'z i want you that bad" (bugbug na bugbug na ang puso nya)

"you don't know i'm dying inside" (hindi rin!)

"and when you'll hide from me" (pinagtataguan sya ng crush nya)

"for you i wrote a song, don't care if it is wrong" (mali talaga ang gawaing ito)

"so please don't despise me" (ayan galit na yung crush nya)

"though you have given up on me and wounded my soul" (kaya binugbog sya nang tuluyan pati kaluluwa nya)

At dahil nga puro sakit sa katawan ang inabot ng kantang ito, at hindi naman pwedeng title ang "The Alaxan Song", ang naging pamagat nito ay "My Agony", bilang panglaban sa "My Immortal" at sa "My Sacrifice". Si Khikhi ang nagsuggest nyan, at sa mga panahong ganito, ang nagagawa lang namin ni Jhun ay palihim na magtinginan at umismid. Kapag si Khikhi ang nagsuggest, babarilin ang magdisagree.

Nabuo na ang kanta, prinactice nya nang prinactice. Tuloy pa rin ang inuman namin. Habang kumakanta si Khikhi, tumutungga ang animal.

Nang mapractice na ang kanta, it's recording time! Naging studio bigla ang kuwarto ko. Sinarado ko lahat ang mga bintana, kasi maingay ang paligid sa labas, kahit alas tres na ng madaling araw. Kinuha ko ang aking walkman, at yung battery ng camera. Recording....

Hindi maperfect ng puta ang pagkanta. Understandable naman yun, kasi pag kumakanta si Khikhi ng kahit anong song, nalilimutan nya talaga ang lyrics. Ngunit ito, hindi ko na matatanggap. Sarili nyang lyrics nalilimutan nya.

Lumalim na lalo ang gabi. Napepressure na kami, kasi nalalasing na kaming tatlo hindi pa narerecord. Ang dating daliri ni Jhun, ngayon longganisa na. Ang tuhod kong ginawa kong percussion, dumudugo na.

Nabuo rin ang pagrerecord ng song... nakalupasay ni si Khikhi, hilong-hilo, lasing na lasing, nakasabit na sya sa lamesa, at kumakanta pa rin. Pagkatapos mairecord ng perfect, kahit na sa chorus ay may dumaang kotse...

"That I'm just here waiti-- VRRRROOOOOOOOMMMMM!"

... eh natulog na kami. Kinabukasan, nagising na lang kami sa tunog ng musika ng roommate kong si Fish. It goes like this: Tae tae tae tae tae tae tae tae tae tae tae oh yeah tae tae

Itutuloyed. After 2 hours.

Okay. So tapos na ang aming first single ("single" talaga heheh) . Isang awiting puno ng sakit. Kung iniisip ninyo na sana nadala na kami at huminto na, hindi rin. Hindi kami nagpaawat. Masyadong masakit ang mga naging kaganapan sa aming buhay nang mga panahong iyon: may kakabreak lang sa jowa, may humahangad magkajowa for thirteen years at may isang ayaw ng jowa, ang gusto ay rape victim...

So isang gabi, nagkayayaan na naman naming mag-inuman. Tama ang nasa isip mo. Hindi kami makagawa ng kanta pag hindi nakainom. This time, sa rooftop ng dorm kami nagpunta. Wala kasing tao dun. Madilim dun at tahimik. Maraming nakasampay na panty.

Anyway, bitbit pa rin ang gitara, papel at lapis (opo, lapis. tag-hirap ang panahong iyon), alak at pulutan, at tape recorder, nagsiakyat kaming tatlong weirdo sa bubong at ipinarinig ni Jhun ang kanyang nagawang chords sa gitara. Naexcite na naman si Khikhi. And you won't like her when she's excited. Nagwewet.

Since ang unang kanta ay para sa mga taong masochistic, ginawa naming medyo mas mild ang mga sumunod na kanta.

Ang naging title ng kanta: "Fucked Up." Talagang pinag-isipan. Hindi naman daw kasi mga bata ang aming "audience", wala naman raw masama, pakialam ba daw nila, mga tangina raw nila, and so on. Sa mga ganitong uri ng tao gaya namin, asahan mo nang walang lalabas na kabutihan sa mga bunganga. Ang awaiting ito ay tungkol sa taong hindi makamove on.

Sumunod na kanta, ang title, "Asaness." Wala na talaga, patapon na talaga ang mga buhay namin, aminado na kami. Duet ang kantang ito. Tungkol naman ito sa dalawang taong torpe. Uso kasi noon ang song na "Torpe Song # 5 by MYMP." Hindi magpapatalo si Khikhi sa MYMP ("Make Your Mother Packer").

Sumunod, nagkainuman na naman, sa apartment nila dwarf. "Vanishing Away" naman ang title ng kanta, at para ito sa isang taong namatay. Mostly, idea ko ang kantang ito, at inimagine kong patay na ang vocalist para mabuo ang lyrics. Nang matapos ang kanta, kumakatok ang kapitbahay sa pinto. Huwag raw kaming maingay, gabi na raw, naggigitara pa raw kami, matulog na raw kami. Bale tumatalsik ang laway nya that time.

Ang ginawa ko, nilipat klo ang mga nacompose namin mula sa tape papunta sa aking cellphone at ipinarinig sa mga kaklase ko, parang testing kung mamumura ba kami or what. Ang mga reaction, mabibwisit ka. Para kang humingi ng opinion sa mga zombie.

"Okay."

"Ganda."

"Okay lang."

"Okay naman."

"Ayos lang."

"OK."

"Okie."

":-)"

"Sino kumanta?"

"Si Khikhi"

"Ahh... K."

Nakakabwisit sila kausapin. Kaya imbes na magtanong-tanong, gumawa pa kami ng mga kanta.

May ginawa kaming kanta, medyo upbeat, "Playing Games," na saksakan ng panget, na gustong gusto ng mga nakakarinig. Ako naman, parang, "OK lang kayo? Ang panget kaya!"

Hindi pa rin naawat! Pumunta naman kami sa boarding house nila Khikhi, at sa kalsada kami nagsulat ng kanta. Luklukan talaga kami ng kacheapan. Gumawa kami ng kantang Tagalog, kasi pansin namin puro na English, at ang title ay "Sayang", about someone na nanghihinayang kasi nasayang yung oras nya. Yun lang. Tapos may isa naman na medyo nakamove on na ang theme, "For You," na medyo okay lang ang tunog, tipong mapapalingon ka at sasabihing... "What's that noise?"

Minsan naisip naming mag-record sa banyo. Wala lang, medo soundprof kasi dun. Naginvite pa kami ng guest singer na ka-duet ni Khikhi sa awiting "Asaness." So bale sa isang banyong 4 sq ft nagkasya ang isang percusionista, bokalista, gitarista, guest singer at tagahawag ng pagrerecordan. Walang ilaw sa banyo. At buti na lang, walang gutom sa amin, walang mabaho ang hininga.

Naisip namin, walang pangalan ang banda namin. Ang mga suggestions, malulunod ka sa kabaduyan. May "Lovesick", "Epiphora," pati "The Khikhi Band." Nagsettle kami sa isang napakagandang panalong band name:

Khikhi Monster. Wala nang paliwanagan.

May kung sinong sira ang ulo na nagsuggest na sumali kami sa K-Lite Auditions. Sa mga hindi nakakaalam, ang K-Lite (hindi clite) ay isang radio station na piupichugin, at kung sino ang palaring makapasa sa auditions nila eh pwedeng tumugtog dun one time, live on-air. Needless to say, nagwet na naman si Khikhi.

Nanghiram kami ng bongos, na kalahati lang kasi butas yung kabila. Nagdagdag ng gitarista. Nagprepare ng playlist, na ambison lang naming tugtugin, di pa namin napractice. Nagtaxi papuntang K-Lite. Daming tao. Register kami. Pila. Hintay.

"Next na magpeperform, Khikhi Monster!" Bigla akong nahiya sa aming band name. Nakakahiya pala sa kapag isisigaw nang malakas.

Bad news, dapat pala napractice no lahat ung 16 songs sa playlist, kahit dalawa lang ang audition piece. ("Putang-ina!") . So in short, disqualified kami.

Pero huwag daw kami mabahala, pakakantahin pa rin ang Khikhi, tignan lang daw. Binanatan ni Khikhi ang "Forgive Me" by Evanescence, at halos himatayin ako sa kaba. Hobby ni Khikhi ang sumabit sa matataas na tones...

Success! Hindi sa sumabit. Palakpakan ang mga tao. Naimpress ang manager. Sabi nya, balik daw agad kami, hanap daw kami ng ka-relyebong singer para di sya mapagod, songsheet, addiional member, at magpractice na raw kami.

Wala na kaming gana. Wala nang gana ang Khikhi Monster.

Pagpasok ko sa school, aba, may contest ng original composition. Open for all, kahit anong topic. Kakilala ko ang organizer. Hmm... may chance manalo.

Pinaburn ko agad ang aming songs. Print ng lyrics. Tatlo ang sinubmit ko: "Vanishing Away", "Asaness" at "Fucked Up."

Nagkaproblema ako sa "Fucked Up." Catholic university ang SLU, madidisqualify ang song na ito na may pagmumura. Pinalitan ko agad ng title. Pinali-palitan ko ang lyrics na na-print, pero hindi na maulit ni Khikhi yung kanta. Hindi naman siguro mahahalatang iba ang lyrics sa sinasabi ng kumakanta... Ang "Fucked Up", naging "Tormenting Me."

After some time naging busy na kami sa kanya-kanyang careers. Si Khikhi, nursing sa Pines, at hectic ang schedule na sa paghuhunting ng mga batang lalaki para tuliin at macomplete ang cases nya. Si Jhun, tumutugtog pa rin sa isang punk na banda na ang name (nung last akong nagtanong) a "Poop on a Stick." Tama. Tinuhog na Tae.

Hindi na kami nakakapag-inuman. Nabaon na sa limot ang Khikhi Monster, or KKMo for short.

Isang araw, ipinatawag ako sa Dean's Office, para lang sabihing ipinapatawag daw ako sa Accounting Office. Ngunit wala naman akong utang. Hala... Trouble ito...

Pagdating sa Accounting Office:

"Ikaw si Glenn Taba*blink*blink*?"
"Opo Sir."
"Banda nyo ang Khikhi Monster?"
Naku! "Opo Sir."
"Bale nanalo yung song ninyong "Tormenting Me," second prize, for P2000.00!!!"
Nahimatay.

Ipinamalita ko ang aming pagkapanalo. Tig-P600 pesos kami, na malaking bahagi ang naidonate namin sa Baguio Wagwagan Foundation. We are wagsters!

Ngayon, tuwing may mababalitaan akong original composition contest, naiisip kong sumali kami, kaso nakakatamad. Dahil may kanya-kanya na uli kaming career.

Si Khikhi, grumaduate na at nag-forge na ng mga signatures sa documents nya for PRC. Si Jhun, gagraduate na yata, wala na akong balita kasi hindi na sya nag-uunlimited texting.

Ako naman, nagconcentrate sa pagsusulat ng mga kalokohan namin, nang minsan kaming naging...

Tsaraan! Khikhi Monster. Click mo pa kung gusto mo!

No comments: