Friday, October 5, 2007

The Pakyaw Family

Promise nyo muna sa akin na pagkatapos nyo basahin ang kasaysayang ito, hindi magbabago ang tingin nyo sa akin bilang isang mabait na role-model. Promise? Game.

Sabi ng isang sikat (sa SLU) na manunulat (ng tula) na tatawagin nating "Rent Virus DeMul", karamihan ng mga teenage boys ay galit sa mga bata.

Ayon naman sa kagalang-galang na childhood destroyer na tatawagin nating "Kr*ss* M*rr* C*l*", natural lang ang magalit sa mga panget. At natural din ang magalit sa mga taong may "Lyn" sa pangalan nila.

Para sa akin naman, likas lang ang magalit sa iyong dorm roommate.

Ngunit isipin mo kung anong klaseng poot ang mararamdaman mo kung ang magiging roommate mo ay mga batang panget? Dito magsisimula ang istorya ng "Pakyaw Family", na pinakyaw ang lahat ng galit ko sa mundo.

Third year college na ata ako nun? Di ko sure. Eh sa Dormitorio Santo Bartolomeo ako nanirahan (na para sa akin ay for free, minsan minan lang ako magdonate ng monthly rent). Apat ang capacity ng room ko, at ilang libong taon na akong nakatira doon, kaya syempre marami akong naging roommates na come-and-go.

Si Baboy, ang baboy. Umupo sya minsan sa isang monoblock na chair. Nadurog ang chair.
Si Kabayo, ang kabayo. The most amazing face sa balat ng tinalupan.
Si Kuya J, ang matalino. Nine years na sya sa college.
Si Fish, ang punkista na may bitbit na gf (na panget), at nagpapatugtog sa umaga ng songs like "Tae, tae, tae, tae, tae...till fade."
Si Bakla, ang bakla. Na hindi nagtagal.
Si Kalabaw, na ambisyoso at gustong magcontribute kami pambili ng TV, carpet at sofa.

Ngunit ang the best (at worst) ay si Kuya Dan, isang security guard. Hindi sya nagpunta sa Baguio para maglakwatsa, magpakasaya at magrelax. May binubuhay syang pamilya.

Masugid mangutang si Kuya Dan. Ngunit hindi sya ganon kasugid magbayad, may konting singilang nagaganap. Okay lang naman sa akin, kasi ipinambibili nya ito ng bigas. Na ishishare rin nya pag hindi nya maubos.

Ayos na sana ang aming pamumuhay in peace(which is magsasalita sya tapos kunwari wala akong naririnig, especially kapag joke), nang dumalaw ang kanyang pamilya sa baba: ang asawa nyang si Lyn-Lyn ("Natural lang magalit sa mga may 'Lyn' sa pangalan" -- Kr*ss* M*rr* C*l*), ang panganay nilang si Roldan (Grade 5 yata) at ang bunsong si Chen-Chen (hindi pa nag-aaral, at hindi pa rin nabibinyagan).

The moment na umentrance sila sa pintuan, nagsimula ang 'one-sided world war 3' kung saan isang side lang ang nakakaalam na may war, ang isang side ay walang malay.

Si Lyn-Lyn, kamukha ng asawa ni Manny Pacquiao. Hence, "Pakyaw Family." Ang mga anak niya, hindi marunong magTagalog, dahil nagmula pa sila sa isang liblib na pook sa Pangasinan. Dealer sya ng di ko sure kung Natasha, Avon, kung anu man. Basta beauty products, at hindi obvious kung gumagamit ba sya ng beauty products.

Ang mga bata, mistulang mga unggoy. Madudungis. Brown ang buhok (hindi kinulayan, more like "binilad-sa-ilalim-ng-araw-blonde." Takbo nang takbo. Akyat nang akyat sa grills ng bintana. Laging gutom. Ang ingay-ingay, sa salitang Pangalatok, na hindi ko naiintindihan. At ang papangit.

Larawan sila ng isang tipikal na pamilyang Pilipino: nagmamahalan, nagkukumahog, hindi nakakatuwa. Lihim ko silang tinawag na "squatters."

Matapos magawa ang mga initial observations na ito ay nagwika ang Kuya Dan ng:

"Okay lang ba sa iyo kung titira muna sila dito?"

Huwaaaattt?! Putang ina! "Syempre Kuya okay lang!"

"Wala kasi magbabantay sa kanila sa baba."

Anong pakialam ko? "Syempre Kuya okay lang!"

"Mas matipid kasi kung magkakasama kami dito."

Pinakamatipid kung patay na kayong lahat. "Syempre Kuya okay lang!"


Masayang masya ang buong pamilya sa kanilang "A family that stays together ugly forever" theme, habang ako naman ay lihim na nagngingitngit. Ayoko ng marumi, ayoko ng masikip, ayoko ng putik! Yun pa naman ang asset ng Pakyaw Family.

Si Lyn-Lyn: Tuwing magbibihis ako, at napapasulyap ako sa salamin, nakikita ko ang reflection ni Lyn-Lyn, nakatitig sa akin. OMG!

At pagkatapos ko magbihis, magbubusiness na sya.

"Saan mo nabili tong pabango mo?"

"Regalo yan, paubos na nga eh."

"BILI-KA-NA-SA-AKIN-LIMITED-OFFER-100-PESOS-LANG-MABANGO-MURA-BILI-KA-NA-HA-ITO-CATALOG-MAMILI-KA-ORDER-KA-HA-BILIS-BILIS-BILIS."



Umorder ako ng pabango. The correct term is "napasubo."



Si Roldan at Chen-Chen, parang noon lang nakakita ng doorknob. Pagpasok nila sa kuwarto, ilolock. Kailangan ko pang kumatok. Pag sila ang lalabas, ilolock nila. At pagbalik nila, kakatok. ISTORBO ANG MGA PUTANGINAAAAAA!



At si Kuya Dan. "Pautang nga."



One time nagising ako na nawawala ang cellphone ko. Inakyat bahay kami sa dorm. Maraming nanakawan. Ang roommate ko na naturingan pa namang guwardiya, tulog na tulog. At habang nagkakagulo kami dahil sa shock ng pagnanakaw eh ang Pakyaw Family nakaupo lang, pangiti-ngiti, no harm done sa kanila. Laking pagkakamali.



Nang papasok na sa trabaho si Kuya Dan, isinuot na nya ang pantalon nyang nakasabit sa dingding, kung saan nandoon ang wallet.



"Saan nandoon ang wallet?", wika ni Kuya Dan, kakapa-kapa.



Nawawala. Nanakawan rin sya. Ahahaha. Takbo sya sa lahat ng sulok, in search for the missing wallet.



"...Andun ang sinuweldo ko..."

"...Yung tsapa ko..."

"...Yung lisensya ko...."



Wala syang narecover. Si Lyn-Lyn, na kanina'y nakangiti sa umagang kay ganda, ngayo'y tulala, hindi makausap ng matino, may sanib. Ako naman ang nakangiti sa umagang kay ganda, habang plastic na inaalok sya ng ensaymada bilang almusal.



At doon ko nakuha ang idea na lalo pang pahirapin ang kanilang existence. Sinimulan ko sa mga bata.



One time, umiinom akong Chocolait. Ako lang ang tao sa room, at andun si Chen-Chen. Impaktita. Nakatitig sa akin, tila gusto ng Chocolait.



Manigas ka kid! "Gusto mo?", kunwari aalukin.



Paglapit nya, balik ako sa pagsipsip ng Chocolait, kunwari hindi ko sya nakikita. Lalayo na naman sya. Nainis. Tumalikod sa akin, dumungaw sa bintana. Nagdadalamhati. Binato ko sya ng carton ng Chocolait. Tinamaan sa batok. Lingon sya, titig sa akin, may poot. Ako, pasipol-sipol, wala akong ginawang masama as far as I know.

Naisip ko, kung gusto kong saktan ang mga bata, dapat hindi ako mahuhuli ng mga magulang nila. Dapat akala nila, mabait ko. Para akong isang character sa telenovela: ang roommate na akala ng lahat ay mabait yun pala ay...uhm...childish.

One time, wala ang kanilang Inay at Itay, naglalaro at naglalambitin ang dalawang unggoy sa grills sa bintana. Hinayaan ko lang sila. Alam kong lagi silang sinasaway ni Lyn-Lyn about this matter. Sinaway ko sila. Bumaba sila sa binatana, umupo sa sahig, nanahimik. Masunurin huh? Wait lang...wait lang...wait. Bumukas ang pinto, si Lyn-Lyn. Now!


"Ate, sinasaway ko sila, ayaw nila magpaawat, inaakyat nila yung bintana, eh baka mahulog sila..."

Nagbago ang facial expression ni Lyn-Lyn. "Anto'y blah blah blah Panggalatation?" Sabay palo. Hinampas si Chen-Chen, no reaction. Hinampas muli, kunwari hindi masakit. Hinampas muli, may paninidigan si Chen-Chen. Kumuha ng ruler si Lyn-Lyn, hinampas. Isa na namang episode ng "Maalaala Mo Kaya".

Next naman si Roldan, malayo pa si Lyn-Lyn, malayo pa ang palo, umiyak na! Akala nya hindi na sya papaluin kapag inunahan nya ng iyak. Kaylaking pagkakamali.

Mission Accomplished.

Minsan nagbabasa ako sa aking kama at ang mag-asawa ay natutulog sa kama sa tabi ko, nakabalot ng kurtina ang kama kaya hindi ko sila nakikita. Sa katahimikan ng gabi at sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay narinig ko ang tunog ng sinturong kinakalas, na nasundan ng malanding halinghing ni Lyn-Lyn, at ang dahan-dahang pag-uga ng kama.

Xerex Xaviera ito.

My Reflections sa Pagtatalik nila:

1. Kung inaakala nila na hindi ko alam, alam ko ang ginagawa nilang pambababoy sa room. Hindi pa kanila yung kama.

2. Kung inaakala nila na hindi ko ipagsasabi, kaylaking pagkakamali.

3. Kung nagbabakasakali silang magkaroon ng isa pang anak na sana naman ay hindi kamukha ng dalawang nauna, hindi na sila magtatagumpay.

Mas madali ang aking paghihiganti sa gabi, kapag tulog na ang lahat...

Minsan matutulog na ako nang manghiram si Kuya Dan ng kumot, dahil wala silang kumot. Sa kabutihan ng aking kalooban pinahiram ko yung kumot kong wool. Makapal sya at malinis. Hindi ko lang nabanggit na may "surprise" ang kumot.

Nang maghatinggabi na at bumangon ako napatingin ako sa kinahihigaan ng magkabiyak at nandoon ang mukha ni Lyn-Len, nakalitaw sa "surprise" na butas na hugis plantsa (minsan ko kasing napaso ng plantsa ang kumot). Napakabait ko talaga. Walang sinabi si Mother Theresa.

Minsan naman nakatuwaan ng mag-kabiyak na mag-hiwalay ng higaan, dahil hindi sila kasya sa iisang kama (apat silang mga yagit). Kaya si Kuya Dan at si Roldan nasa taas ng double deck namin, at si Lyn-Lyn at si Chen-Chen nasa sahig natutulog. Minsang tulog na silang lahat at wala akong magawa ay nagpunit-punit ako ng tissue paper at binilog bilog ng maliliit. At isa-isa kong hinagis sa buhok ng Lyn-Lyn. Para syang naligo ng snow.

Hindi lang yan. Another time, napansin kong nakanganga matulog si Chen-Chen sa sahig. Tulog na ang mga squatters. Nag-iisip ako kung anong kasamaan ang gagawin ko sa kanya this time. Hmmm... Habang nag-iisip pa ako, tinapakan ko yung mukha nya. Nilamutak ko ang mukha nya sa aking talampakan. Five years old pa lang si Chen-Chen, pero hindi kio naisip yun noon. Ang nasa isip ko, Eat my dust. Okay lang naman kasi hindi naman sya Katoliko (hindi pa sya nabibinyagan, remember?).

Nang matiyak ko na malinis na ang talampakan ko, sinipa ko pa sya sa sikmura, pero mild lang para hindi sya ngumawa at hindi ako mahuli. Mabubugbog talaga ko ni Kuya Dan pag nalaman nyang hinampas ko rin ng ruler ang bunso nyang anak.

Hindi pa rin humupa ang galit ko sa pamilyang iyon. Hindi pa ako tapos maghiganti. One time lumipat sila sa kama na katapat ng kama ko. Magkatabi pa rin si Lyn-Lyn at Chen-Chen. Nang makatulog na ang lahat, I reached out, at naabot ko ang isang parte ng katawan ni Chen-Chen, ang kanyang tenga. Hmmm, I wonder... Pingot.

Tinodo ko ang magpingot. Yung manipis na pingot, yung masakit. Himbing na himbing pa rin sya. More. Himbing. More! Nagtwi-twitch na ang mga kamay nya. More! Nagbabago na ang expression ng mukha nya. More! Tapos napahawak sya sa tenga nya. Nagkunwari akong tulog. Ngumangawa na sya. Ang lakas ng iyak ng puta.

"Malamok", sabi lang ni Lyn-Lyn, nang magising sa iyak ng bata.

Ngunit tulad ng lahat ng masasaya at enjoy na times sa buhay, kailangan itong magwakas...

"Uwi na sila Ate Lyn-Lyn mo bukas."

Putang-ina, yes! "Ay ganun ba Kuya? Bakit naman?"

"Mag-eenrol na kasi ang mga bata."

Who cares? "Ingat na lang garud."

Nagpahabol si Kuya Dan,

"Binyag pala ni Chen-Chen next week."

Oh no.

Nagpahabol pa ulit,

"Punta ka sana kaso may klase ka diba?"

Oh no, eto na.

"Pwede ilista na lang kita na ninong?"

Ang buhay talaga full of surprises. Inaanak ko pa ngayon ang batang muntik ko nang patayin.

Wakaz. At matapos nyong basahin, pwedeng pakibasa nyong muli ang pinaka-first sentence ng kwentong ito? Thanks.

No comments: