Tuesday, October 2, 2007

IT Project

Sa course namin, kapag umabot ka pang buhay sa senior year, eh may isa pang chance para mamatay ka na, at iyon ang thesis, o mas maganda ang tunog kung IT Project. Kaya lang pag sinabing "senior year", mahirap matumbok ang tunay na definition kasi may mga ganito:

1. Third year pa lang ngunit nakapag-advance ng maraming subject at pwede na magthesis.
2. Anim(6) na taon na sa kolehiyo. Parang si Parisian.

Here's how. Nasilip ko sa ID ni Parisian na 6 years na sya at hindi pa sya grumaduate, gumagraduate, at gagraduate.

My Thesis Story starts with Parisian. Naging ka-group ko kasi sya sa isang subject na may group project. Eh bilib na bilib ako noon sa kanya kasi kapag nagsalita sya nakakabilib:

"Alam mo, ako ang nagturo kay Sir kung paano mapgporgramming."
"Ang dali lang kaya iprogram nyan!"
"Alam mo, three days na akong hindi naligo."

Kaya naisipan kong magaling maging kagroup sa thesis si Parisian. Eh ang first step sa thesis, humanap ka ng groupmates.

"Kuya, isama mo ako sa group mo ha!
"Ako rin! Ako rin!
"Ako rin!"
"Oo isa-isa lang! Kaso tignan ko kung may bakante pa kasi may mga naisip na akong groupmates."

Irony # 1. Kamukit-mukit mo, yung mga nag-"Ako rin!" ang naging magkakagroup, at si Parisian, hindi pinayagang magthesis, dahil may subject pa syang pang-lower year. Ahahahaha.

Eh di nagkaformation na nga ng group. Enrolment noon, at lilinga-linga kami, kasi kulang ang group namin, dapat kasi 9 sa group. Hindi kami makakapag-enroll kapag 8 lang kami. Takbo ako sa corridor. Nandun si Cinderella (lalaki po sya, malalaman nyo mamaya kung bakit Cinderella).

"May ka-group ka na?"
Ang bilis ng sagot, "Wala pa nga eh."
Shet, no choice, "Gusto mo makigroup sa amin?"

Nabuo ang aming thesis group.

Nagkatinginan kami sa isa't-isa. Patay, walang magaling magprogram. Pakingshet. Nang makita ng mga teachers kung sino ang magkakagroup, I swear, palihim silang nagtatawanan.

Nagkapilian din ng thesis adviser. Putang-ina. Draw lots, at dahil lagi akong malas sa draw lots, ang napunta sa amin eh yung walang programming skills. Let's call her "Super."

Nagcontribution ng funds. Matapos makabuo ng 100 pesos, ipinangkakain ng hotdog sandwich sa In and Out. Ganun every week. Ang pera, In and Out lang.

Naghanap kami ng company na gagawan ng project. Sabi ko sa mga groupmates ko, kahit anong company, basta huwag payroll system ang gagawin, kasi mahirap daw blah blah.

Irony # 2. Isang music school ang nakuha naming company. Ang kailangan nilang software? Payroll. Shet.

Every week, may consultation kami. Na parang Insultation. Ichechek ni Super ang aming output: ang documentation.

"Bakit ganito? Kulang."
"Bakit ganito? Sobra."
"Bakit ganito? Bali-baligtad. Mababasa mo ba yan? Oo, kung Inchik ka."

Huli na nang marealize nya, dalawa sa groupmates namin, Chinese.

Malayo pa ang submission, binigay na ang kailangang isubmit, para malayo pa, matapos na, at hindi magmadali kung kelan submission na.

Needless to say, Irony #3 ito. Madalas kaming mag-overnight.

Diniscourage ng department head ang pag-upa ng thesis house.

"We discourage all groups from renting a thesis house. Do not make your parents believe that it is required."

Irony #4. Hindi kami umupa ng thesis house. Nagkaroon kami ng thesis home. Iba yun. Ibahin mo kami. Bahay ng groupmate naming si Vince ang naging home. Tuwing nandun kami, may libreng Internet, widescreen na TV, pagkain, at full-length mirror.

Ang thesis nahati sa dalawa. Thesis 1 at Thesis 2, napakadescriptive. Ang Thesis 1, documentation, at may defense:

"In the Company Profile, we indicated--"
"Why did you have to include this blah blah?"
"Ma'am kasi--"
"Please address us in English."

Nung thesis 2 na kami naging mas madugo. Ang ginawa mong design, pagaganahin na. Mamatay ka sa kakaiisp.

It's time to explain 'Cinderella'. Lalaki sya. Malaki ang katawan. Tahimik. Mama's boy raw. Kapag nagmemeet ang group, tahimik sya. Walang angal. Wala ring suggestions. Tanggap lang nang tanggap ng assignments.

Hindi sya sumasama sa overnights. Kapag-may meeting, hindi sya pwedeng gabihin. Cinderella. Magiging kalabasa sya kapag hindi sya nakauwi.

Kapag binigyan mo naman ng assignment, pagbigay nya sayo, parang kalahati lang ang utak nya. Substandard na, nakasimangot pa pag inabot sayo.

Humantong din sa panahong hindi na sya nagpapakita, hindi na nagtetext, at hindi na sya interesado. Solusyon: Fire!

Irony #5. Si Cinderella ang sabit lang na dinagdag sa group parang filler, sya rin ang na-fire. Nang maeliminate na si Cinderella, parang wala lang, hindi namin nadama ang effect.

Naisip minsan ni Super na sumama sa aming overnight, dumalaw lang sya saglit upang makita ang thesis home. Kunwari lahat kami may ginagawa.

May kung sinong nilalang ang nagsave ng awiting "Tigidong" sa laptop ng isang groupmate (ako yata yun? di ko sure). At habang may kinakausap si Super tungkol sa project, may isang salbaheng groupmate na pinatugtog ang "Tigidong", just for fun, i-stop nya rin naman agad bago marinig eh.

Ngunit! Nag-hang ang laptop. Hindi nya mai-stop, hindi mahinaan ang volume.

"So tapos nyo na ba yung module sa ganito blah-blah"
Ang puk* ko na kulay rosas...

"Opo Ma'am, finifix na po yung errors

Namumukadkad pag hinimas-himas...

"Bakit, ano na lang ba ang error nya blah blah"

At ang namumulang talulot...

"Nagsasave po pero hindi na maedit blah blah"

Dinadaluhong ng mga bubuyog...

"Yun na lang ba ang error blah blah?"

Kapag ako'y nalilib*gan tumitihaya kahit sa lansangan...



Malaking palaisipan sa akin magpasahanggang nagyon kung narinig ba iyon ni Super at nagkunwari lang syang hindi nya ito narinig.



Itutuloyz.

After 48,000 years naituloy rin ang kasaysayan na ito.

Dumating ang pinakanakakatakot na oras: ang thesis defense. Na hindi naman pala masyadong nakakatakot, kung pagbabasehan mo ang mga picture-taking at paglamon sa miryenda na ginawa namin. Needless to say, pumasa nga kami. Tapos na sana....ngunit...

Laging may time (sa kahit anong group work na sasalihan ko) na magkakaaway-away (involving me). Sa aming thesis group, ang naging "The Legendary Fight of the Year" ay:

People of the Philippines vs. "Reden Esjoice"

Nagpapapirma na kasi kami noon, parang final stages ng thesis, at ang Reden Esjoice ay nakuhang magbakasypn sa Pangasinan nang hindi nagpapaalam, at sinabay pa nya sa init ng ulo ko ang bakasyon nya. So, gumawa ako ng paraan para hindi nya me-enjoy ang bakasyon nya. Ito ang nagong dialogue namin, more or less:

"Nandito ako sa Pangasinan."
"Ang tanga-tanga mo! Alam mo na ngang marami pang gagawin!"
"Eh hindi ko naman alam eh."
"Hindi mo alam kasi tanga ka!"
"Bakit? Marami naman na akong naitulong ah."
"Lahat ng itinulong mo mali! Help na nga lang ang gagawin mo puro pa wrong grammar!"
"Ako ang gumawa ng database."
"Lahat kami kayang-kaya gawin yun, tanga ka bobo ka lahat kami galit sa iyo!" (kahit ako lang)

Gusto ko rin sanang gamitin ang mahiwagang linya ni Ervin Catua : "Gusto mong sirain ko ang pagkababae mo?"

Magpahanggang sa araw na ito, hindi pa namin napapatawad ang isa't-isa.

The End.

No comments: