Wednesday, September 19, 2007

The Dugyots

Paano ko ba lalagyan ng intro ito?

-Minsan sa buhay ng tao-
-Yuck si-
-John Pa-
-Isang araw may dugyot-
-Ang tao minsan baboy sya-

The Bad Breath Series

Minsan sa buhay ng isang tao...bad breath sya. Paggising sa umaga, kapag hindi nakakain maghapon, sa pangatlong araw ng walang uwiang overnight, (mas lumalala ang hininga pag malapit na ang oras ng submission), at kapag nakakain sya ng maraming sibuyas-- iyan ang mga dahilan ng pagbaho ng hininga, na nagagamot ng toothbrush.

Ang mga sumusunod, mga permanenteng cases.

Subject: Religion 3 (Believing Unto Discipleship yata? Who cares.)
Alternate Title: Naniniwala ako sa Diyos, pero hindi sa subject na ito.

Alphabetical ang seating arrangement, at magkakatabi ang mga letter T. Sa likuran. Kung sino ang pandak sya pang nasa likod. Anyway, naging seatmate ko si "TB." Sa unang tingin, marumi na syang tignan. Mabait naman sya pero hiniga kasi ang pinag-uusapan.

Amoy maasim, parang labadang naulanan tapos iniwan sa ilalim ng kama tapos inamag. Ganun ang bunganga nya. Nakaupo sya sa kanan ko, kaya lagi akong nakatingin sa kaliwa, ngunit iba talaga ang aroma nya, napupuno ang atmosphere. Nagtiis ako ng isang buong sem, pagkahilo, pagkasuka, at sukdulang pagkastiff neck.

Kasabay ng subject na ito ay kumuha pa ako ng...

Subject: History 4 (The Life and Works of Dr. Jose Rizal)
Alternate Title: Putang-ina naman!

Umaga ang schedule namin, 8:30 yata. At doon ko nakatabi si "Aga Baho" ("Ang aga-aga, ang baho-baho"). Mabaho talaga sya, amoy sunog na baga. Ang buong pagkatao nya isang visual aid kapag naglelecture ka sa bad effects ng nicotine.

Next subject: Religion 4 (Living Like Jesus)
Alternate Title: Huwag na, magkakasala lang ako.

Sa kalagitnaan ang pagkahibang ko noon at pang-iistalk sa crush kong Financial Management, nagcross-enroll ako sa Accountancy para sa subject na ito. At wala na sa SLU si TB, nakita ko na lang syang nagtatrabaho sa isang call center. Kaya palagay ang loob ko na fresh ang hangin this sem.

Kaylaking pagkakamali.

Imaginine ang diaper na may laman. Imaginine mo na panis na yung laman. Iconvert into gas. Ganun ang amoy ng hininga katabi ko. Ang lakas pa man din nya tumawa, at nasa gilid ako, sa may dingding, at pag-iisipan akong may katok ng instructor ko kung buong lesson nya ay haharap na lang ako sa dingding.

Malas ako sa seatmate sa mga classes ko. Pero hindi dyan nagtatapos ang malas. Malas din ako sa mga nakakatabi ko sa library.

One time, nasa internet library ako, nang may umupo sa tabi ko, at humikab. Putang-ina. Humikab uli. Hikab hikab hikab. Antok na antok sya. O baka bagong gising, gusto ko na syang sabihan ng,




"Mawalang galang na po, pero putang-ina nyo po, ang baho ng bunganga mo. Po."
or
"Wala ka na bang ibabango pa?"

Binalabal ko ang jacket ko, inikot-ikot ko sa mukha ko, para matakpan ang ilong ko habang nagtytype. Ang katabi ko naman, wala lang, hikab ng hikab. Nang mapatingin sya sa akin at nakitang mala-ninja na ako sa pag-iwas sa amoy nya, sya pa ang nagalit! Padabog na umalis. Ah ganun, makokonsensya pa ako?

Next. Si "Rodz Basuka." Nakilala ko sya dati pa, nung nag-iistalk pa ako sa College of Accountancy. Itong si Basuka, nasa kanya lahat ng confidence ng isang contestant sa beauty pageant. Pero puro confidence lang sya, walang beauty. Ang crowning glory nya ay ang kanyang ngipin. Wala namang kulang, hindi sya bungal. Hindi one seat apart. Pero walang magkatabi sa mga ngipin nya. Puro may gap. Parang suklay.

At lumipas ang dalawang taon, napagyaman nya ang kanyang asset na ngipin.

Isang araw sa Net Lib, papaupo na ako nang mapansin ko ang katabi ko. Si Basuka.

Ako: Hoy Basuka putang-ina mo buhay ka pang hayop ka.
Basuka: Hi din.
Ako: Anong ginagawa mo dito, marunong ka palang gumamit ng computer.
Basuka: May assignment ako. [Smile]

Sa pag-smile nyang iyon nakita ko ang ngipin nyang hiwa-hiwalay, naimprove. Ngayon, iba-iba na rin sila ng kulay. Yung kalahating magkakatabi, yellowish. Yung nasa kabilang half, grayish.
Refer to the following illustration:


88888888888888
Figure 1. Color scheme ng ngipin ni Basuka.

Ganun ang theme. Syempre scented yun. Ninja-moves na naman ako: balabal. Gusto ko na sana syang diretsuhin, (tutal lagi ko naman syang inaasar) na,




"Bakit amoy tae ang bunganga mo?"

ngunit naawa rin ako. Gudluck na lang sa katabi nya sa kabilang side nya, wala syang jacket pangbalabal.

Kuwento sa akin ng nanay ko, sa shop na pinapasukan nya, may isang katulong doon na bad breath. Amoy impyerno daw. Dalaga ito, at may ambisyon sa buhay: ang magkaroon ng braces.

Ngunit! Wala na syang ngipin, pustiso na lang.

Ngunit! Hindi nya binitiwan ang ambisyon nya. Solusyon: pinalagyan ng brace ang pustiso. Resulta: Mabahong hininga. At may patent na ngayon ang imbensyong "Pustisong may Brace", nanalo pa ng Invention of the Year Award for Best in Ambitious Product.

The Diarrhea Series

High school ako nun, at nang minsan akong mag-enroll sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School, dun ako nakaranas ng matinding parusa, salamat sa mga katabi kong may diarrhea.

Para lubos nyong maintindihan, ganito ang set-up sa RMCHS: ang klase naming mga sophomore, 11:30 - 6:30. Pag pumasok ka sa 11.30, huwag mo nang asahang makakalabas ka pa before 6:30. Galit ang mga guwardiya sa mga estudyanteng feel na feel ang maglabas-pasok.

May friend ko noon, tawagin nating "Ebo" (lalaki po ito). Si Ebo minsan dumating sa klase na bagong-bago ang shoes: yung nauso noon, yung blue na may gray na lining, yung walang sintas, garter lang. Eh di kantyaw dito kantyaw doon. Sa kalagitnaan ng pangangantyaw, naamoy ko sya: amoy tae. Ang it's not the shoes.

Isa-isang nagtanungan ang mga kaklase ko,




"Bakit amoy tae?"
"Tignan mo nga sa ilalim ng sapatos mo."
"Ha? [Pawisan si Ebo, balisa] Wala naman."

Sabi ko na inyo, it's not his shoes, it's him. Pagpasok pa lang nya, amoy ebs na sya. Dalawa lang ang pwedeng theory sa ganitong situation:
1. Natae sya sa jeep.
2. Natae sya nung kinantyawan sya sa kanyang new shoes.

At dahil mahigpit ang mga guwardya sibil, hindi na sya pwedeng lumabas. Tiniis nya ang moist feeling sa kailaliman ng kanyang pagkatao. Ako naman, tahimik na nagdadalamhati, dahil sa lahat ng subjects namin, katabi ko sya. Putang-ina naman talaga.

Solusyon: May dala-dalang pabango ang kaklase kong babae. Pinasprayhan ko ang panyo ko, para for a change naman para sa ilong ko. Ang hayop kong kaklase, freak pala magpabango, binasa ang panyo ko. Hanggang 6:30, dalawa lang ang pinagpipilian kong scents: Strong Nauseating Perfume, or Ebo's Natural Shit.

Pag-uwi ko sa bahay, nilalagnat na ako. After a few days, akala ko nagsilbing aral na sa aming magkakaklase ang experience ni Ebo. Naging bulung-bulungan kasi ang karanasan nya.




"[Shh..]Kawawa naman, sana wag mangyari sa akin.[Whisper]"

"[Whisper]" Sana nagdahilan na lang sya para makauwi.[Hush]"

"[Hush]May banyo naman, sana dumaan muna sya doon.[Bulong]"

"[Bulong]Ano? Si Ebo ang amoy tae? [Sigaw]MGA CLASSMATES! SI EBO YUNG AMOY TAE NUNG LUNES!!!!!"


At sa kalagitnaan ng bulung-bulungan, may sumibol bagong halimuyak. Si "Panganiban" (tunay nyang apelyido, babae). Opo mga kaibigan, at sya, hindi grand entrance tulad ng kay Ebo. Silent. Tahimik na dumatin, at namalayan mo na lang, amoy cr na ang classroom. Hindi pa kami magkatabi nun ah, pero alam ko. I know shit when I smell one. Ngunit si Panganiban, palaban.

Kung sil Leo noon ay balisang-balisa at hindi mapakali dahil nakatae sya sa brief nya, si Panganiban parang wala lang, parang simula't sapul eh sa panty na talaga sya tumatae. Nakuha nya pang magrecite, mag-canteen, mag-quiz, at makipag-kuwentuhan sa mga friends. At nang magkatanungan na,





"Bakit parang amoy tae?",

usisa ni classmate #1.





"Oo nga no, baka may nakatapak.",

theory ni classmate #2.





"Hindi, walang nakatapak, baka may natae na naman! Ahahaha",

yan ang sabi ni Panganiban, at humabol pa,





"Shhh...Baka si Leo...",

ang gagang yun, nangbintang pa, eh if I know, simula nung matae si Leo, naka-diaper na sya pumasok. So walang idea ang mga tao kung sino ang tumae, pero ako, huling-huli ko sya. Bakit? Ganito yun.

Nung 6:30 na, nasanay na ang nostril namin sa amoy ng tae. Dinismiss na kami ni "Baba/Chin-chin" sa aming subject "Sceince in Technonogy with Something Bayology". Eh yung daanan mula sa classroom namin papuntang gate, madilim, pwede kang manggahasa. Dumudukot na ako noon ng pamasahe sa bulsa ko, at pagkadukot ko, nahulog ang 5-peso coin ko. Pupulutin ko na sana ng may naunang nagsalita:





"Uy, yung pera ko, nahulog."

Putang-ina, ang bilis, may umangkin. Tumahimik lang ako. Alam ko nasa paanan ko ang coin, pero tumahimik ako. Yung umangkin ng coin, lumapit para pulutin. Amoy tae. Guess who: not Ebo. Si Panganiban. Natae na't lahat, nakuha pang mamitik ng pamasahe ng iba. Harap-harapan nya akong pinagnakawan.

Kinabukasan, dun nagpakita ng pagkabalisa si Panganiban. Dahil hindi sya pumasok. At naconfirm ang hinala naming...sya ang salarin. Naclear ang pangalan ni Ebo, Hindi naman porke may amoy tae, ako na agad, naisip nya.

Pero wala yan sa kuwento ni Giovanni. Sabi nya sa Boy's High, may natae. Gumulong pa ang tae nya sa laylayan ng pantalon nya. Hanep.

The Mucus Series

High school ulit, pero ibang school, sa Cape Bolinao High School, sa aking hometown. Hindi ko nasaksihan ang pangyayari, pero alam kong totoo iyon. Election noon ng Supreme Student Council. Ang mga kandidato, nangangampanya sa mga classroom. May isang kandidato, lalaki, na magpapakilala pa lang eh biglang natawa. Sinisipon sya nung mga panahong iyon. Imbis na sa bibig lumabas ang tawa nya ang mga normal na tao, sa pagpigil nya eh sa ilong lumabas ang tawa. At may give away. Green na sipon.

Agad-agad humirit si kandidato ng,





"Sinong may tissue?"

pero as if naman may tutulong sa kanya. Ang buong klase, pati teacher, tumatawa. So anong ginawa ni candidate? Inipon nya sa palad ang sipon, at sininghot muli. Totoo yan.

Jump to college. Ito, nasaksihan ko, dahil ako ang kausap nya.

Subject: Technical Writing
Alternate Title: Shet.

May group assignment. Partner-partner. Partner ko si "Baboy." Hindi na ako magaabalang ilarawan pa sya. Nakaupo sya sa harap ko, at nang sabihin ng instructor na





"Okay you can meet with your partners."

Humarap sa akin para magtanong,





"Kelan tayo ga--"

yun na ang blog moment. Hindi nya natapos ang gusto nyang ipahayag, inunahan sya ng kanyang sipon. Normal color: yellow. Consistency: Malapot. Life span: Very quick. Mabilis ang mga pangyayari. Lumabas ang sipon nya. Lumobo. At pumutok. At swerte nya, ako ang nakakita, hindi ko malilimutan ang sandaling iyon.

Tumalikod sya sa akin. Nagpunas, malamang gamit ang braso. Humarap ulit, sabay tanong,





"Kelan tayo ga...."

Hindi ko na inalintana ang gusto nyang ipahayag, dahil nakita ko, yung pinunas nyang sipon, kumalat lang sa mukha nya.

The Ultimate Kadugyutation

I swear, gawa-gawa ko lang ang susunod na salaysay, wala dito ang HANGO SA TOTOONG BUHAY at "any resemblance to any person living or dead, is accidental basta it's not my fault." Pramis.

Panchito/Pakintoch/Pochinta/Potaching. Yan ang mga codenames nya. At kahit harap-harapan naming ginagamit ang codename nyang ito, hindi nya ni minsan na inisip nya sya yun, thinking Hindi ko naman kamukha si Panchito ehehehe.

Kaylaking pagkakamali.

So anong ginawa ni Panchito pra sya ang hiranging Dugyot of the Century? Isummarize muna natin ang mga tinalo nya sa award na ito:

TB (Bad Breath Category, Mild)
Aga baho (Bad Breath Category, Semi-Strong)
Diaper (Bad Breath Category, Semi-Strong)
Hikab Guy(Bad Breath Category, Very Strong)
Basuka (Bad Breath Category, Defending Champion)

Ebo (Amoy Tae Category, Strong)
Panganiban (Amoy Tae Category + Robbery + Oral Defamation of Character)

Candidate (Sipon)
Baboy (Sipon, with bursting effects)

Simple lang ang pagkapanalo ni Panchito. Sinabi lang naman nya sa akin, nang buong pagmamalaki, na




"Alam mo, three days na akong hindi naliligo."

Wala nang dapat pagtatalunan. Proven naman eh. Nung tumalikod sya at nakita ko ang buhok nya, may mga buhangin. At ang tatlong araw nyang hindi pagligo statement, sinundan pa ng...




"Alam mo ngay, minsan, naaattract ako sa lalaki..."

Panalo na sya.

So anong award nya? Correct! Yung bagong invention na may patent. Pustisong may brace, the Most Ambitious Product of the Year. Kasi padugyutan din lang ang usapan.

Wakaz.

No comments: