Monday, September 17, 2007

My Superpowers

Minsan sa buhay ng isang tao, madaya sya.

Nung mag-deans list ako nung first year first sem, may nagtaka, may natuwa.

Ang mga kaaway ko, nagtaka.
Ang mga friends ko nung high school, natuwa.
Ang mga kabarkada ko sa college, both-- nagtaka at natuwa.
Ang mga magulang ko, neither. Hindi nagtaka, hindi nagpakita ng tuwa. Ang sabi lang,



"Oh? Kelan ka uli magbabayad ng tuition?"

Nung mag-dean's list uli ako nung first year second sem, wala nang nag-react. Sabi lang,




"Wala nang naniniwala sa dean's list."

Totoo yun. Maraming hindi karapat-dapat ang pumapasok sa dean's list. Parang ako.

Kasi hindi lang naman sa pagrereview pumapasa ang isang estudyante. Mas papasa sya sa "abilidad."

Shet, tandang-tanda ko pa...

Success Story # 1 High school pa lang ako, maabilidad na ako. Kapag alam kong exam na, magsusuot ako ng puting rubber shoes, yung mumurahin na binigay ng Auntie ko na sabi nya eh imported from Hawaii. Sinusulat ko ang naanticipate kong mga items na ibibigay sa exam...sa aking white shoes. Pag malayo ang bantay, naka-de-kuwatro ako. Pag malapit ang bantay, ipapasok ko sa ilalim ng upuan ang shoes ko. Pag tapos ng exam, buburahin ang nakasulat sa sapatos. Pag-uwi, lalabhan ang sapatos. Pag exam na ulit, isusuot muli. Iyan ang life cycle ng sapatos na mumurahin from Hawaii.

Pagdating ng college, wala na ang aking Hawaiian shoes, pero nandun pa rin ang aking abilidad.

Success Story # 2
Subject: OS (Operating Systems)
Alternate Title: OS (Oral Sex)
Instructor: "Ma'am Suca"
Mode: Magbiro ka na sa lasing huwag lang sa senior citizen.

Scenario: Exam namin. Ang coverage, hindi ko na maalala (usually hindi mo talaga maaalala ang mga naging topics nyo), basta maraming isasaulong numbers. Eh hate ko yun. At hindi ako willing na magpuyat sa pagsasaulo ng mga numbers na makalipas ang apat na taon ay hindi ko rin maaalala. Isa lang ang tanging solusyon.

Materials Needed:
1 Small sheet of paper, yung walang linya. Coupon bond ata ang tawag dun.
1 bolpen na manipis ang sulat, aka gelpen.
1 jacket (optional pero requirement ito)
1 front row seat.

Opo, mahal na mambabasa, sa unahang upuan ako umupo, sa harap mismo ni Ma'am Suca. Bahagi iyan ng solusyon.




"Okay class, you may start."

At start na rin ako sa pagkukunwaring pag-iisip. Pasimpleng inilapag sa aking desk ang jacket kong red na Adidas, wagwag lang, na makalipas ang dalawang taon ay hiniram ng workmate kong pandak at hindi na nya sinoli. Nakakubli sa jacket ang nakahandang solusyon. Pasimpleng sumilip, pasimpleng sinulat, at pasimpleng SEMPLANG!

Nakatingin sa akin si Ma'am Suca. Shit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang lahat ng dugo sa katawan ko ay nagrush sa mukha ko, pero di ako hinimatay, kasi biglang ngumiti lang si Ma'am Suca. Hindi pala nya ako nahuli, nagpatweetums lang sya sa akin.

Ako naman, nag-assume ng face ng hirap-sa-exam mode. Madali lang yun, puro kunot ng noo. Yun ang dahilan kung bakit ako umupo sa harap, dahil ang malamang na isipin ni Ma'am Suca,




Ah, hindi magchecheating ito kasi nasa harap umupo. Ang lakas naman ng guts nya kung makukuha nyang macheat sa mismong harap ko... Tsaka cute sya... Shet, Si Gemma mukhang magchecheat...sa likod umupo eh... Mabantayan nga...

At ang nasa isip ko naman,




Ah, hindi ako pagkakamalang nagchecheating nito kasi sa harap ako umupo. Ang lakas ng guts ko magcheat sa harap ni Ma'am, someday ikukuwento ko ito sa isang blog... Kumusta naman si Gemma, todo bantay sa kanya si Ma'am, bakit kasi sa likod umupo, bwahahaha...

Ang ending nun eh, pumasa ako, at si Gemma, na nagbabalak ring mangodigo at umupo sa likuran pero na-chicken sya dahil nakatitig si Ma'am Suca sa likuran, eh bumagsak.

Napagtanto kong pwede kong iapply ang parehong principle sa iba kong instructor-subject combination. Sa exam ko kay "Sir Mentos", ang mabagsik na instructor ko sa ProgApps, naisip ko




Yehey, it's cheating time! Saan ako uupo, ayun, sa harap sa gilid. Ilalapag ko na ang jacket--




"All things in front."




He's joking...




"I'm not joking. All things in front. Take your jackets off."




Shet, hindi yata joke...




"What part of 'All things in front' don't you understand???"




Pakingsyet.

Success Story # 3
Subject: Differential Calculus
Alternate Title: Useless Subject With Many Numbers.
Instructor: "Cruella "
Mode: Kung ang nickname mo ay Cruella, enough said.

Scenario: Wala uli ako sa mood na magreview, dahil sabi ng konsensya ko,




Walang magagawang maganda ang pagrereview, halina't mandaya na tayo...

Hapon ang quiz ko kay Cruella. Alam ko noon na may klase sya ng umaga, quiz rin. At alam ko rin na sinusulat nya lang sa blackboard ang quiz, dahil cheap sya. At alam ko rin na ang upper half ng mga classroom sa Silang Bldg ay yari sa salamin. At alam ko rin na ang sumilip dun ay hindi kakayanin ng height ko. At ang pinakamahalaga, alam kong naghihintay si Cruella ng mga sisilip. It's a trap!

Kinasangkapan ko ang kabarkada kong magiting na autistic, na itatago natin sa pangalang "J*hn *lvis R*b*n*", dahil matangkad sya, at marunong naman syang magbasa. Umupo ako sa sahig na may kalayuan sa classroom. Ang J*hn *lvis R*b*n* ang taga-slip at taga-dictate ng mga items sa board. Nang makopya ko na sa isang papel ang mga dinictate ng J*hn *lvis R*b*n*, timing na lumabas sa classroom si Cruella.

Kinilatis ni Cruella ang sumisilip, ang J*hn *lvis R*b*n*. Hindi nya ito kilala, dahil nung panahong iyon, Trigonometry pa lang ang kinukuha ng J*hn *lvis R*b*n* (binagsak nya). Pumasok sya uli sa classroom. Succex! Nang papaalis na kami ng J*hn *lvis R*b*n*, nasalubo.ng namin ang pinakamatalino sa aming class sa Calculus, si Kim Something San Soo Something. Basta Korean, pare-pareho lang naman sila ng pangalan kaya it don't matter. Hindi ko talaga maalala, basta ang alam ko, papunta sya Ah naaalala ko na ang apelyido nya, Kang. Baka Kim Kang. Nagpunta rin sya noon sa classroom para sumilip. Kaya pala matalino, that's what I thought...

Kinahapunan, naanticipate ko na ang mga ipapaquiz at hindi ako nagkamali. Ang x2 - 9, ginawa lang nyang x2 - 16. Panalo.

Next meeting (mabilis magbalik ng quiz papers si Cruella), nagbalik na ng quiz papers si Cruella. Bigla syang sumigaw:




"Mr. Taba*blink*blink*!"

Umaygad! Shet, nahuli yata ako! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang lahat ng dugo sa katawan ko ay nagrush sa mukha ko, pero di ako hinimatay, kasi -- (fill in the blank, copy-paste lang yan dun sa situation with Ma'am Z kanina).




"Mr. Taba*blink*blink, answer on the board!"

Nanlilisik ang mata ni Cruella, pero alam ko, ligtas na ako. Ipapasulat lang pala ang answer ko sa board. Syempre, ako ang highest eh! Pagkatapos ko magsulat, luminga-linga pa ako, hinahanap ko si Kang. Absent. May nagtsismis sa akin, di ko sure kung sino, basta ang sabi:




"Ma'am talk to the Kang. It catch her (Kang) looking to the bored at the quiz in the morning today. She is catch. She shift (Kang). It absent. Pharmacy."

Ang kawawang Kang, nagshift sa Pharmacy nang wala sa oras. Ako, tuloy ang ligaya.

Success Story # 4 May nakakita na rin sa akin habang ako'y nasa kalagitnaan ng pangongodi-- I mean, illegal na pagbubukas ng notes... ang high school friend kong si Dwarf (alias *lfr*d C**z*r C*r*ll*).

Subject: Physics
Alternate Title: Physe.x
Instructor: The Fat Lady
Mode: Bitter, can't lose weight.

Scenario: Isang gabi, nakahanda na ang aking "notes" at nagtext si Dwarf:




"Glenn nanood ka ba ng play? Pwedeng akin na lang ang stab mo kasi pinapapass ng instructor ko."
Sagot ko naman:




"Shunga. Stub. Bukas 7:30"

At nagpunta nga si Dwarf para kunin ang "stab". Eh nag-eexam na kami nung dumating sya. Sumilip sya sa pinto. Paglabas ko after ng exam, ang bungad nya,




"Open notes yung exam nyo?"

Nasamid ako sa question na iyon. At na-amaze rin ako. Si Dwarf na nasa labas ng pinto nakita ang pangongo-- I mean pagrereview during exam -- ko, si The Fat Lady, hindi ako nahuli. Succex!

Sa kasamaang palad, dito na nagtatapos ang mga success stories. Ang susunod, mga not-success stories.

Not-Success Story # 1 Unahin ko na yung hindi tungkol sa akin, yung kay *sr**l Br**n/Bry*n M*rc*l*, o mas kilala sa scientific name na "Rhaz". Sinulat nya ang kodigo sa buong palad nya, magkabilaan. Walang patawad, pati pagitan ng mga daliri, umabot pa yata sa siko. Matagumpay naman nyang nagamit ang kodigo, pero ang not-success nya ay nung tapos na ang exam, paglabas nya sa classroom, at pag-attend nya ng misa (Opo, mga kaibigan, madalas magsimba ang mga madadaya).

Eto na. Communion. Pumila si Rhaz. It's his turn. Inalay ang nakabukang palad sa pari, para doon ilagay ang "Body of Christ". Nalimutan nyang puno ng kodigo ang palad nya, at nang tumingala sya sa pari, wala sa mukha nito ang kagustuhang ilagay ang "Body of Christ" sa kamay na makasalanan. Naisip ni Rhaz,

Shit.
Pero sabi nya,
"Amen",

pero di ko sure kung pinaniwalaan sya ng pari, or ni Lord.


Not-Success Story # 2 Mas shunga pa rin si Autistic, si J*hn *lvis R*b*n* (yung tumulong sa akin sa Cruella incident). Ito ang truly-not-success story nya.

Subject: History
Alternate Title: National Joke Time
Instructor: "Sir Penis"
Mode: May hinanakit pa rin sya sa pagkakasakop ng kung sino-sinong lahi sa Pilipinas.

Scenario: Quiz. Take note, quiz lang. Tahimik ang paligid, iniisip kung bakit nga ba may History ang Pilipinas, bakit pa di ba? May kaguluhan, sa kabilang row. Si Sir Penis, may pinupunit na papel. Papel ni Autistic, pinupunit to the tune of



"BAKIT NAKABUKAS ANG LIBRO MO?"

After the quiz, nagpaliwanag ang J*hn *lvis R*b*n*, at reasonable naman ang paliwanag nya.
"Akala ko talaga, open notes."

Not-Success Story # 3 Ito ang hindi ko malilimutang kasaysayan ng pangongo-- I mean, pag-ismuggle ng impormasyon.

Subject: CBIS (Computer-Based Information Systems)
Alternate Name: Just Another Supposedly Important Subject
Instructor: "Langbird"
Mode: Tuso

Scenario: Nakahanda na ang aking smuggled goods. Nasa jacket kong itim. Hindi ko magamit, dahil nasa line of sight ako ni Langbird. At hindi ko kailangang gamitin, alam ko ang sagot, kahit enumeration. Natatak siguro sa isip ko habang sinusulat ko sya sa kodigo. Pasado na ito!

Lumabas si Sir. Yes, pwede na ako mag-smuggle. Icoconfirm ko lang kung tama ang sagot ko, okay, buklat-buklat silip-silip ngiti-ngiti Putang-Ina! Si Sir! Nakasilip sa bintana!

Kaya pala lumabas si Langbird, para sumilip at mahuli ang mga may special abilities. Sabi sa inyo, tuso yun eh. Nagtama ang aming tingin.

Shit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang lahat ng dugo sa katawan ko ay nagrush sa mukha ko...

Deja vu no?

Pero this time, wala na, nahuli ako, at namumutla na ako. Nakangiti ang mukha ni Langbird, umalis sa may bintana. Nakikita ko ang silhouette nya. Papalapit sa pinto. Ayan na sya...
Huwag kang papahuli. Itapon mo ang kodigo. Huwag, makikita nya. Itago mo sa pwet ni-- Shet ayan na sya, san ko ilalagay?

Bumukas ang pinto. Umupo si Langbird sa table nya. Nagbell. Nagpass ako ng papel. Wala syang reaction. Walang marka in red ballpen na "Cheating." Pumasa pa ako sa subject pagtapos ng sem.

Ang misteryo, saan napunta ang kodigo? Mananatili itong palaisipan...

Dito nagwawakas ang aking kuwento, at mag-iiwan ako ng isang quote na quinote ng isang taong kilala ko:

" Mapait ang lasa ng dinayang tagumpay, ngunit mas mapait ang lasa ng tinta ng gel pen sa papel. Trust me. "

Wakaz.

1 comment:

Anonymous said...

Hey, I am checking this blog using the phone and this appears to be kind of odd. Thought you'd wish to know. This is a great write-up nevertheless, did not mess that up.

- David